Kapag tayo ang nakapagdesisyon na na bumuo ng pamilya, minsan akala natin okay na ang maghanapbuhay para matustusan ang mga gastos. Mapapansin nalang natin na palaki ng palaki ang ating gastusin pero ang ating sahod ay hindi naman sumasabay sa paglaki. Kaya ang susunod na papasok sa ating isipan ay maghanap ng trabaho abroad para mas malaki ang kita. Ayan na, nag-abroad ka na. Sa simula, okay naman, natutustusan naman ang gastos ng pamilya. Hanggang sa tumagal ng tumagal ang panahon, di mo nalang napapansin na lumalaki na ang mga anak mo. Tanging pictures lang nila ang nakikita mo habang sila ay lumalaki. May mga pagkakataon na nakakarinig ka sa mga katrabaho mo na ang anak nila ay napariwara, nabuntis, nasangkot sa masamang gawain at iba pa. Mabuti naman kung maayos naman ang mga anak mo, pano kung hindi? Narealize mo nalang na parang naparaming panahon ang nasasayang mo. Imbes na nakakasama mo ang pamilya mo ay wala ka namang magawa dahil sa sakripisyo na pinili mo. Hihintayin ...