Lahat tayong mga Pilipino nangangarap magkaroon ng bahay at lupa. May kanya kanya tayong estado sa buhay. Yung mga mayayaman, madali lang para sa kanila ang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Mayaman sila e. Madali na para sa kanila yon. Pero pano naman ang mahihirap? Ang tipikal na Pilipino, maghahanap ng trabaho sa abroad, magiipon bago bumili ng sariling bahay at lupa. Minsan kinamamatayan na nila, hindi parin sila makabili ng bahay at lupa. Kadalasan, yung retirement fee pa nila ang ginagamit nila maitayo lang ang lupang pinapangarap nila. Retirement fee, ibig sabihin, kinatandaan na nila ang pagiipon para sa pangarap nilang bahay. Ganon kasi ang kinasanayan nating mga Pilipino e. Trabaho abroad, gastos, bayad utang, walang savings. Kung may savings man, maliit na. Kapatid! Susunod ka rin ba sa kanila? Hahayaan mo nalang rin ba na agusin ka ng hirap ng buhay? Hihintayin mo nalang rin ba makuha ang retirement fee mo para maipatayo ang pinapangarap mong buhay? Wag na kapatid....
Comments
Post a Comment